WATCH: Drug war ng PNP, hindi namahinga ng Semana Santa; 7 patay, 811 ang naaresto
Pito ang patay habang aabot naman sa 811 katao ang naaresto ng Philippine National Police sa kanilang anti-drug operations sa nakalipas na Semana Santa.
Ito ay batay sa datos ng PNP National Operations Center mula sa lahat ng Police Regional Offices, mula March 28 hanggang April 1, 2018.
Sa isinagawang press conference sa Camp Crame, sinabi ni Dela Rosa na sa mga napatay, 4 dito ay mula sa Region 3, isa Region 4-A, isa sa Region 12, at isa sa ARMM.
Habang sa mga naaresto naman ay pinakamarami sa NCRPO kung saan mahigit 300 ang nahuli.
Sinundan ito ng Region 4-A kung saan 124 ang arestado at Region 7 kung saan 119 ang arestado.
Kulelat naman ang PRO Cordillera na walang isinagawang anti-drug operation sa loob ng nabanggit na mga petsa.
Una nang nilinaw ni Dela Rosa na bagamat suspendido ang Oplan Tokhang ngayong Semana Santa ay tuluy tuloy pa rin ang anti-drug operations sa ilalaim ng oplan double-barrel reloaded.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.