4 patay sa pananalasa ng bagyo sa Fiji

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 02, 2018 - 08:40 AM

Fiji Met Service

Apat na ang nasawi habang mayroon pang nawawala sa pananalasa ng Cyclone Josie sa Fiji.

Ang main tourist town na Nadi ay lubog sa tubig baha makaraang magbuhos ng walang tigil na pag-ulan ang bagyo na mayroong taglay na lakas ng hanging 100 kilometers bawat oras,

Ayon sa mga otoridad, limang katao ang natangay ng flashflood at apat pa lamang sa mga ito ang nakuha na ang mga labi.

Patuloy namang pinaghahanap ang isang 19 anyos na lalaki.

Sa datos ng National Disaster Management office ng Fiji, nasa 1,000 residente ang nananatili sa evacuation centers makaraang bahain ang kanilang mga bahay.

Nagdulot din ng malawakang brownout ang bagyo sa mga lugar ng Tavua at Ba.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Cyclone Josie, Fiji Met Service, Radyo Inquirer, tropical cyclone, weather, Cyclone Josie, Fiji Met Service, Radyo Inquirer, tropical cyclone, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.