Pangulong Duterte nasa probinsya pa rin, mamamahagi ng lupa sa mga magsasaka sa Sultan Kudarat

Inquirer file photo

Matapos ang isang linggong pananatili sa Davao City para ipagdiwang ang kaniyang kaarawan at gunitain ang Semana Santa, balik-trabaho na ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte.

Alas 2:30 ng hapon pangungunahan ng pangulo ang pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Awards (CLOAs) sa mga magsasaka sa Provincial Capitol Gym sa Sultan Kudarat.

Matatandaang isa sa mga pangako noon ni Pangulong Duterte ay mabigyan ng sariling lipa ang nga magsasaka at maisulong ang land reform.

Samantala dahil nasa Europe pa si Presidential Spokesperson Harry Roque, si Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra ang haharap sa arawawang press briefing sa Malakanyang.

Ito ang unang pagkakataon na haharap sa Malacañang Press si Guevarra para magbigay ng briefing.

 

 

 

 

 

 

Read more...