Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong buwan
Magpapatupad muli ng bawas sa presyo ng kuryente ang Meralco para ngayong buwan ng Oktubre.
Ayon sa abiso ng Meralco, P0.13 kada kilowatt hour ang ipatutupad na bawas sa singil sa kuryente.
Ang nasabing price adjustment ay dahil sa pagbaba ng generation charge.
Dahil dito, inaasahang magkakaroon ng P26.36 na pagbaba sa bayarin sa kuryente ng mga consumers na umaabot sa 200kwh ang konsumo; P39.55 naman ang ibaba sa bill ng mga consumers na umaabot sa 300kwh ang konsumo; P52.73 sa mga kumokonsumo ng 400 kwh at P65.91 sa mga umabot sa 500 kwh ang konsumo.
Noong nakaraang buwan ng Setyembre ay nagpatupad na rin ng bawas sa singil ng kuryente sa Meralco na aabot sa P113 para sa mga kumokonsumo ng 200 kwh.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.