15 train sets ng MRT 3, matagumpay na nakumpuni; 10 tren, agad napabiyahe sa pagbubukas ng operasyon ngayong araw

DOTr Photo

Matapos ang limang araw na puspusang maintenance activities, ay magbabalik na sa normal ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3) ngayong araw.

Kasabay nito, sa post na ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr), asahan na umano ang ‘resurrection’ ng mga train sets matapos matagumpay na makumpuni ng Maintenance Transition Team (MTT) ng MRT ang 47 na light rail vehicles at 15 trainsets.

Isinagawa ang annual general system maintenance ng buong sistema ng linya ng tren mula Miyerkules Santio hanggang kahapon, Easter Sunday.

Matatandaang umaabot lamang sa anim hanggang walo ang kadalasang bumabiyaheng tren ng MRT bunsod ng mga aberya sa unang bahagi ng taon.

Samantala, sampung tren ng MRT-3 ang napabiyahe sa pagbubukas ng operasyon nito ngayong umaga.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT, alas 5:45 ng umaga ngayong araw, 10 tren nila ang operational o maayos na gumagagana.

Nadagdagan pa ito at naging 11 na pagsapit ng alas 6:00 ng umaga.

Gayanaman ng MRT-3, balik operasyon na rin ang lines 1 and 2 ng Light Rail Transit o (LRT 2) ngayong araw.

Nauna naman nang bumalik ang biyahe ang Philippine National Railways (PNR) kahapon, Easter Sunday.

 

 

 

 

 

Read more...