Ayon kay PAGASA weather specialist Meno Mendoza tanging northeasterly surface windflow ang nakaaapekto sa Luzon.
sa pagtaya ng panahon ngayong araw, ang Metro Manila at ang buong bansa ay makararanas lang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan.
Ang bagyo na mayroong international name na Jelawat ay masyado nang malayo sa bansa kaya wala ng inaasahang epekto nito.
Wala ring nakataas na gale warning saan mang baybaying dagat sa bansa ngayong araw kaya maaring makapaglayag maging ang mga maliliit na sasakyang pandagat.
MOST READ
LATEST STORIES