Maaliwalas ang panahon sa buong bansa ngayong araw – PAGASA

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 02, 2018 - 06:20 AM

Magiging maaliwalas ang panahon sa buong bansa ngayong maghapon.

Ayon kay PAGASA weather specialist Meno Mendoza tanging northeasterly surface windflow ang nakaaapekto sa Luzon.

sa pagtaya ng panahon ngayong araw, ang Metro Manila at ang buong bansa ay makararanas lang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan.

Ang bagyo na mayroong international name na Jelawat ay masyado nang malayo sa bansa kaya wala ng inaasahang epekto nito.

Wala ring nakataas na gale warning saan mang baybaying dagat sa bansa ngayong araw kaya maaring makapaglayag maging ang mga maliliit na sasakyang pandagat.

 

TAGS: Pagasa, philippines, weather, Pagasa, philippines, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.