Mag-ama pinagbabaril sa loob ng kanilang bahay sa Iloilo City

By Justinne Punsalang April 02, 2018 - 02:20 AM

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang kanyang ama matapos silang kapwa pagbabarilin sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Bolilao, Mandurriao sa Iloilo City.

Kinilala ang biktimang si Jorem Ariate, 21 taong gulang na nagtamo ng maraming tama ng bala sa dibdib at nakilala naman ang kanyang ama na si Joseph, 56 na taong gulang na natamaan lamang nga bala sa kanyang paa.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, biglang sumugod sa bahay ng pamilya Ariate ang suspek na si Ariel Acopicop na isang retiradong pulis.

Walang pag-aatubili nitong pinagbabaril ang mag-ama gamit ang isang kalibre 45 baril. Matapos ang insidente ay agad na tumakas si Acopicop sakay ng isang taxi.

Napag-alaman na matagal nang magkaaway ang mga biktima at ang suspek. Sinubukan nang ayusin ang gusot sa pagitan ng mga ito sa barangay ngunit nanatili pa rin ang kanilang alitan.

Ayon kay Mandurriao Police chief, Chief Inspector Juvy Navales, nakatanggap sila ng impormasyon na nais nang sumuko ni Acopicop.

TAGS: iloilo city, Shooting Incident, iloilo city, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.