Lalaki patay sa pamamaril sa Quezon City

By Justinne Punsalang April 02, 2018 - 01:39 AM

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa Kasunduan Street na sakop ng Barangay Commonwealth sa Quezon City.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang biktimang nakasuot ng puting t-shirt at maong pants.

Sa pagtataya ng mga otoridad, nasa 30 taong gulang ang biktima.

Kwento ng mga residente, isang malakas ng putok ang kanilang narinig. At nang tingnan ang pinanggalingan nito ay doon na nila nakita ang nakahandusay at duguang bangkay ng lalaki.

Ayon pa sa mga ito, isang lalaki rin ang nasa likod ng pamamaslang. Anila, naglakad lamang ito papalayo sa lugar ngunit hindi naman nila ito namukhaan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente, maging sa pagkakakilanlan ng biktima at suspek.

TAGS: Barangay Commonwealth, quezon city, Shooting Incident, Barangay Commonwealth, quezon city, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.