15 patay sa banggaan ng bus sa Kuwait

Patay ang 15 mga oil workers, habang sugatan ang apat na iba pa, matapos magbanggaan ang dalawang bus sa Kuwait City.

Ayon kay Kuwait City Fire Department spokesperson Colonel Khalil al-Amir, karamihan sa mga biktima ay pawang mga Asian expatriates na mga empleyado ng Burgan Drilling, isang pribadong subcontractor.

Ayon pa kay al-Amir, sa apat na mga nasa ospital ay ilan dito ang nasa kritikal ang kundisyon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.

Read more...