Kim Jong Un nanood ng concert ng mga South Korean stars sa Pyongyang

By Justinne Punsalang April 02, 2018 - 01:17 AM

AP Photo

Sa unang pagkakataon ay dumalo si North Korean leader Kim Jong Un sa pagtatanghal ng mga South Korean K-pop singers sa Pyongyang.

Kasama ni Un ang kanyang asawa na si Ri Sol Ju na dumalo sa naturang concert.

Ayon kay Culture Minister Do Jong-whan, interesado si Un sa mga naging pagtatanghal. Aniya, sa katunayan ay nagtanong pa ito tungkol sa mga kanta at lyrics nito.

Ang pagbisita ng mga South Korean stars ay ang pinakamalaking ‘gesture of reconciliation’ bago ang nakatakdang summit ng dalawang bansa na gaganapin sa April 27.

Ito ay matapos ang ilang buwan na tensyon sa Korean peninsula dahil sa nuclearization efforts ng NoKor.

TAGS: K-pop, Kim Jong un, north korea, K-pop, Kim Jong un, north korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.