“In good spirits” ngayon ang kilalang action star na si Arnold Schwarzenegger matapos niyang sumailalim sa operasyon sa puso.
Ayon sa tagapagsalita ng dating gobernador ng California na si Daniel Ketchell, March 29 nang sumailalim sa heart surgery si Arnol para mapalitan ang isang valve sa kanyang puso.
Sa isang pahayag, sinabi ni Ketchell na maganda ang lagay ng ‘Terminator’ actor. Katunayan aniya, nang magising si Arnold pagkatapos ng kanyang operasyon ay binanggit pa nito ang isa sa mga catchphrases ng kanyang pelikula na “I’m back.”
Paninigurado pa ni Ketchell, patuloy ang pagpapagaling ng aktor at walang dapat ikabahala ang kanyang mga tagahanga.
Taong 1997 nang unang lagyan ngpulmonic valve si Arnold dahil sa kanyang congenital heart problem.