Naaksidenteng anak ni Karen Davila isang wakeup call sa Malacañan at LGU

By Chona Yu April 01, 2018 - 07:46 PM

COURTESY: Karen Davila Facebook

Wake-up call para sa palasyo ng Malacañan at sa local government units (LGUs) ang aksidenteng nangyari sa anak ng batikang journalist na si Karen Davila sa Siargao Island.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, pagkakataon ito para paigtingin ang seguridad sa mga tourist destination sa bansa.

Sinabi pa ni Andanar na dapat naka pwesto ang mga kwalipikadong medical personnel at life saving equipment sa mga tourist spots sa Pilipinas.

Base sa Facebook post ni Davila, naaksidente ang kanyang anak habang nagsasagawa ng surfing.

Gayunman, walang naka-standby na medical team, walang lifeguard sa isla, at walang lisensya ang mga surfing instructor sa lugar.

TAGS: Karen Davila, LGUs, Malacañang, PCOO Secretary Martin Andanar, Siargao Island, Karen Davila, LGUs, Malacañang, PCOO Secretary Martin Andanar, Siargao Island

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.