Bilang ng mga turista sa Boracay tumaas ngayong Marso

INQUIRER File Photo

Mas mataas ang bilang nga mga turistang pumupunta sa Boracay noong nakaraang buwan ng Marso kung ikukumpara sa bilang ng mga turista noong nakaraang taon.

Ayon sa datos na hawak ng Economic Enterprise Development Department ng Aklan Provincial Tourism Office, 7% mas mataas ang bilang ng mga turista sa Boracay ngayong taon.

Mula sa 160,696 noong March 2017, nasa 172,358 ang mga turista ng isla noong nakaraang buwan, bagaman nagbabadya na pagpapasa dito ng pamahalaan.

Ayon kay Caticlan at Cagban jetty port administrator Niven Maquirang, karamihan sa mga turista ay dumating sa Boracay sakay ng mga cruise ships.

Aniya, 27 cruise ships ang inaasahang pupunta sa isla ngayong taon, at lima dito ang bibisita ngayong April.
Paliwanag pa ni Maquirang, hindi nakakadagdag sa polusyon sa isla ang mga cruise ships dahil nagtatagal lamang ito sa lugar ng anim hanggang walong oras.

Read more...