7k residente ng Marawi pinayagang bumisita sa Ground Zero

INQUIRER Photo

Aabot sa lima hanggang pitong libong residente ang pinayagan nang makabisita sa kani-kanilang tahanan sa most affected area o ang tinatawag na ground zero sa Marawi City.

Ito ay bilang bahagi ng Kambisita Program ng Task Force Bangon Marawi.

Ayon kay Marawi Mayor Majul Usman Gandamra, partikular na pinayagang makapasok ang mga residente na naninirahan sa Barangay Daguduban at Tolali.

Maaari aniyang makapagtungo ang mga residente mula alas-7 ng umaga ng April 1 hanggang alas-3 ng hapon sa April 3.

Papayagan naman aniya ang ibang residente na makapasok sa kanilang bahay sa ibang lugar hanggang sa May 10.

Sinabi pa ni Gandamra na naging hinaing ng mga residente payagan muna silang makita ang kani-kanilang tahanan bago i-demolish at para bigyang daan ang rehabilitasyon.

Tiniyak naman ni Gandamra na papayagan lamang makapasok sa ground zero ang mga residenteng nasa official list ng pamahalaan.

Pitong tao lamang ang pinapayagang makabisita ng pamahalaan sa kada isang pamilya.

Read more...