Comelec maghihigpit sa COC filing, supporters ng mga kandidato, hindi na papayagang makapasok

By Dona Dominguez-Cargullo October 07, 2015 - 12:20 PM

BautistaMaghihigpit na rin ang Commission on Elections (Comelec) sa sandamakmak na mga supporters na sumasama kapag naghahain ng certificate of candiday (COC) ang kanilang mga pambatong kandidato.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, maglalagay na lang sila ng TV screens sa labas ng Palacio del Gobernador sa Intramuros Maynila.

Sa nasabign screen ay maaring mapanood ng mga supporters ang kanilang mga kandidato habang naghahain ng COC sa loob ng gusali. “Sa labas ng Palacio del Gobernador maglalagay ng TV Screens para ang mga supporters hindi na kailangan pumasok,” ayon kay Bautista.

Nauna nang naghigpit ang Comelec sa mga miyembro ng media na magco-cover sa COC filing.

Ayon sa Comelec kailangan na ngayong mag-apply ng accreditation ng mga miyembro ng media na nais magcover sa paghahain ng COC ng mga kandidato.

Paliwanag ni Bautista, layon nitong maiwasan na makadagdag pa sa dami ng tao ang mga nais lamang maki-usyoso sa proseso at wala namang kinabibilangang lehitimong media organization.

TAGS: ComelecCOCfiling, ComelecCOCfiling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.