FDA paiigtingin pa ang kampanya laban sa pekeng gamot

By Justinne Punsalang April 01, 2018 - 07:10 PM

INQUIRER File Photo

Lalo pang paiigtingin ng Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang kampanya laban sa mga pekeng gamot.

Ito ang naging pahayag ni FDA Director General Nela Charade Puno kasunod naman ng pag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na arestuhin at kasuhan ang mga nagbebenta ng mga pekeng gamot.

Ani Puno, magpapatuloy ang mga joint operations ng FDA at PNP upang mapigilan ang pagkalat ng mga pekeng gamot sa merkado.

Ayon pa kay Puno, nakumpiska na ng FDA ang nasa mahigit P76 milyong halaga ng iba’t ibang pekeng mga gamot simula March 2017 hanggang March 2018. Kabilang sa mga nasabat na pekeng mga gamot ang paracetamol, megenamic acid, loperamide, anti-arthritis, anti-impotency, mga pampaputi, at pampapayat.

Kasabay nito ay 31 mga nagtitinda ng pekeng gamot naman ang naaresto.

Kadalasan aniya, ibinibenta sa pamamagitan ng social media o mga hindi kilalang botika ang mga pekeng gamot.

Paalala pa ni Puno, dapat maging mapanuri ang publiko sa tuwing bibili ng gamot. Mas makabubuti aniya na bumili na lamang ng gamot mula sa mga lisensyadong botika upang hindi mabiktima ng mga pekeng gamot na maaaring makapinsala sa sinumang iinom nito.

TAGS: Food and Drug Administration, pekeng gamot, Food and Drug Administration, pekeng gamot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.