Sasampahan ng kasong administrative complaint ng grupong Akbayan Youth si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa Office of the Ombudsman, bukas, araw ng Lunes.
Ayon kay Justice Balane, communications officer ng Akbayan Youth, ito ay dahil sa pagpapakalat ni Uson ng mga pekeng balita o fake news.
Sampung estudyante aniya mula sa iba’t ibang eskwelahan ang magsisilbing complainant sa reklamong gross misconduct.
Bilang isang opisyal ng pamahalaan hindi umano naging maingat si Uson sa pagpapakalat ng mga tamang balita.
Ayon kay balane, magdadala rin ang mga complainant ng protest sign at coffe cups na may litrato ni Uson at may nakasulat na #FireMocha.
Wala pa namang ibinibigay na pahayag si Uson ukol sa naturang hakbangin ng Akbayan Youth.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.