Daloy ng trapiko sa NLEX at SLEX nagsisimula nang bumagal
Nagsisimula nang bumigat ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX).
Sa huling abiso ng SLEX Corporation bandang alas-4:17 ng hapon, mabagal na ang galaw ng mga sasakyan sa Alabang Viaduct northbound. Ayon sa SLEX Corporation, ang dulo nito ay nasa Filinvest na, ngunit magaan naman ang daloy ng trapiko sa southbound lane.
Mabigat na rin ang daloy ng trapiko sa Ayala Toll Plaza northbound, at magaan naman sa southbound lane.
Para naman sa Calamba Toll Plaza, kapwa mabilis ang takbo ng mga sasakyan sa northbound at southbound lane.
Bandang alas-3:24 naman ng hapon nang magkaroon ng minor accident pagkalagpas ng Sta. Rita Toll Plaza southbound lane sa NLEX na nagdulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko.
Sa ngayon ay passable na ang lahat ng mga lanes ng NLEX matapos maayos at matanggal ang nakahambalang na sasakyan.
Mayroon na ring kaunting build-up ng mga sasakyan sa Bocaue Toll Plaza southbound at Candaba Viaduct southbound lane.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.