10 patay sa pagguho ng hotel sa India

AFP Photo

Patay ang sampu katao habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos gumuho ang apat na palapag na hotel sa Indore City sa India.

Ayon sa ulat ng mga pulis, may kalumaan na ang gusali.

Nabatid na gumuho ang hotel matapos bumangga dito ang isang heavy vehicle.

Matatandaang noong Agosto lamang ng nakaraang taon ay gumuho rin ang isang 117 taong gusali sa Mumbai kung saan 22 katao naman ang nasawi.

Read more...