Paggunita ng Semana Santa ngayong taon, ‘generally peaceful’
Generally peaceful ang paggunita ng Semana Santa.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Philippine National Police spokesman Chief Supt. John Bulalacao na ito ay dahil iilang insidente lamang ang kanilang naitala sa Semana Santa.
Ayon kay Bulalacao, mula March 23 hanggang alas 6:00 kaninang umaga, April 1, 48 insidente lamang ang kanilang naitala.
Sa naturang bilang, 34 ang nasawi dahil sa pagkalunod. Ang Region 3 at Region 4A ang nakapagtala ng pinakamataas na insidente ng pagkalunod.
18 aniya ang nalunod at nasawi sa dagat, anim ang nasawi sa swimming pool, tatlo sa mga water falls, anim sa ilog, isa sa lagoon at isa sa lawa.
Pitong vehicular accidents din aniya ang naitala kung saan ang Region 3 ang may pinakamataas na insidente dahil sa North Luzon Expressway at Subic Clark Tarlac Expressway.
Dalawang insidente lamang ng pagnanakaw ang naitala sa Region 3 at Region 13.
Ibinida naman ni Bulalacao na walang insidente ng akyat-bahay.
“Walang akyat-bahay incident ngayong Semana Santa dahil naging aktibo ang mga pulis sa pagro-ronda sa mga ungated subdivision at iba pang mga residential areas,” pahayag ni opisyal.
Aniya, “From March 23 up to April 1, 6am, nakapagdeploy kami ng 33, 385 police personnel to man the 5,218 police assistance desks/centers. Dahil sa laki ng personnel deployed, nasiguro natin ang kaligtasan ng ating mga kababayan.”
Ayon kay Bulalacao, kaya mababa ang naitalang insidente ngayong taon dahil naging alerto ang PNP at iba pang sangay ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.