Sa pinakahuling abiso ng NLEx, as of 10:23 Linggo ng umaga, kakaunti pa lamang ang mga bumibiyahe sa northbound at southnound lane.
Samantala, sa abiso naman ng Toll Regulatory Board, iilan palang ang bumiyahe kaninang umaga sa bahagi namang ng South Luzon Expressway.
Batay sa kanilang pinakahuling tala kaninang 11:05 ng umaga, maluwag rin ang trapiko sa northbound at southnound lane.
Ngayong araw kasi inaasahang magsisimulang magbalikan sa Metro Manila ang mga nagsipag-uwian sa kani-kanilang lalawigan para sa paggunita ng Semana Santa ngayong taon.
Inabisuhan naman ang mga pasahero na asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko mamayang gabi hanggang bukas, araw ng Lunes.