Daloy ng trapiko sa NLEx at SLEx, maluwag pa rin

By Angellic Jordan April 01, 2018 - 12:12 PM

Nananatiling maluwag ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEx) ngayong Easter Sunday.

Sa pinakahuling abiso ng NLEx, as of 10:23 Linggo ng umaga, kakaunti pa lamang ang mga bumibiyahe sa northbound at southnound lane.

Samantala, sa abiso naman ng Toll Regulatory Board, iilan palang ang bumiyahe kaninang umaga sa bahagi namang ng South Luzon Expressway.

Batay sa kanilang pinakahuling tala kaninang 11:05 ng umaga, maluwag rin ang trapiko sa northbound at southnound lane.

Ngayong araw kasi inaasahang magsisimulang magbalikan sa Metro Manila ang mga nagsipag-uwian sa kani-kanilang lalawigan para sa paggunita ng Semana Santa ngayong taon.

Inabisuhan naman ang mga pasahero na asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko mamayang gabi hanggang bukas, araw ng Lunes.

TAGS: NLEX, Semana Santa 2018, SLex, trapiko, NLEX, Semana Santa 2018, SLex, trapiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.