Lima katao nalunod sa Isabela

By Angellic Jordan April 01, 2018 - 11:16 AM

Credit: Google

Nakapagtala ang police at rescue workers ng limang insidente ng pagkalunod sa Isabela sa kasagsagan ng Semana Santa.

Natagpuan nang patay ang kinilalang 21-anyos na biktimang si Resty Tumbaga sa Cagayan river sa bayan ng Angadanan, umaga ng Linggo ng Pagkabuhay.

Samantala, narekober naman ang bangkay ng isang grade 4 student sa ilog noong Sabado de Gloria.

Ayon kay police investigator PO2 Ruben Acoba, hindi na muna isasapubliko ang pagkakakilanlan ng biktima.

Sa kaparehong araw, nalunod rin ang 15 taong gulang na si John Mark Capalungan sa Cagayan river sa bayan ng Reina Mercedes.

Nalunod rin ang isang limang taong gulang na si Nicole Zara sa bahagi ng Cabatuan noong Biyernes Santo habang namatay naman ang 9 na taong gulang na si Cesar Dictado sa isang waterway noong Huwebes Santo.

TAGS: isabela, Semana Santa 2018, isabela, Semana Santa 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.