2 batang babae, nalunod sa Pangasinan

By Angellic Jordan April 01, 2018 - 10:47 AM

Credit: Google

Nalunod ang dalawang batang babae sa probinsya ng Pangasinan noong Sabado de Gloria.

Ayon sa Pangasinan police, itinakbo pa sa ospital ang apat na taong gulang na babae, residente ng Baguio City, ngunit hindi na kinayanan habang nasa daan.

Nalunod ang biktima habang lumalangoy kasama ang pamilya sa swimming pool ng isang resort sa Barangay Turko sa bayan ng Laoac.

Sa Sual naman, natagpuan nang walang malay ang isang 10 taong gulang na babae sa ilalim ng pool sa babang parte ng Fila Falls sa Barangay Camagsingalan bandang 2:00 ng hapon.

Kasama ng biktima ang kaniyang pamilya para isang salo-salo nang mangyari ang insidente.

Dinala ang labi ng biktima sa Labrador Community Hospital.

TAGS: nalunod, pangasinan, Semana Santa 2018, nalunod, pangasinan, Semana Santa 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.