Higit 20,000 pasahero, naitala ng PCG sa mga pantalan sa bansa
Hindi bababa sa 20,000 pasahero na ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Base sa pinakahuling tala ng PCG mula 12:00 ng madaling-araw hanggang 6:00 kaninang umaga, dumagsa na ang 24,692 pasahero.
Mas mababa pa ito sa naitalang bilang na 46,910 pasahero sa huling anim na oras ng Sabado de Gloria.
Ayon kay PCG Commander Armand Balilo, inaasahan pa ang pagbuhos ng mga pasaherong pabalik sa Metro Manila ngayong Easter Sunday.
Marami aniya sa mga magbibiyahe pasahero ay sakay ng ro-ro mula sa ilang lalawigan.
Tiniyak rin ng opisyal na nakaalerto ang PCG para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero bilang parte ng kanilang Oplan Byaheng Ayos: Semana Santa 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.