Samar, Northern Luzon makararanas ng pag-ulan ngayong araw

By Angellic Jordan April 01, 2018 - 09:11 AM

Credit: PAGASA

Makararanas ng maulap at kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang thunderstorms ang probinsya ng Samar bunsod ng Severe Tropical Storm “Jelawat” ngayong araw, Linggo ng Pagkabuhay.

Batay sa 4:00 AM weather bulletin ng PAGASA, namataan ang STS Jelawat sa layong 2,265 East ng Aparri, Cagayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Maliban sa Samar, makararanas din ng maulap at kalat-kalat na pag-ulan ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Regions (CAR), Aurora at Quezon dahil sa northeasterly surface windflow.

Magiging maulap na may kasamang isolated rainshowers naman ang iiral sa nalalabing parte ng bansa.

TAGS: Jelawat, northern luzon, Pagasa, Samar, Jelawat, northern luzon, Pagasa, Samar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.