PCG, nakaalerto na sa pagbuhos ng mga pasaherong pabalik ng Metro Manila
Mas pinaigting na ang Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad sa iba’t ibang pantalan ngayong araw, Linggo ng Pagkabuhay.
Ayon kay PCG spokesperson Capt. Armand Balilo, inaasahan na kasi ang pagdagsa ng mga pasahero pabalik ng Metro Manila simula ngayong umaga.
Bilang pagtutok sa mga PCG districts at stations, regular aniyangj nagsusumite ng ulat at litrato ang kanilang mga personnel para makita ang sitwasyon sa mga pantalan.
Nagtalaga na rin ang PCG ng passenger assistance centers kasama ang PCG Auxiliary unit at medical team para gabayan ang mga pasahero.
Samantala, inabisuhan ang mga pasahero na pumunta sa mga pantalan tatlong oras bago ang nakatakdang departure time.
Iwasan na rin aniyang magdala ng mga ipinagbabawal na gamot tulad ng flammable liquids, toxic at infectious substances, radioactive materials at pagpasabog.
Pinaalalahanan rin ng PCG ang mga pasaherong magbbiyahe sa barkong may open decks na sumunod sa pagsusuot ng life jackets.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.