PNP, nagbabala sa pag-recruit ng NPA sa pamamagitan ng student orgs

Inquirer file photo

Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga magulang sa tutukang maigi ang mga aktibidad ng kanilang anak ngayong bakasyon.

Ayon kay PNP spokesman Chief Superintendent John Bulalacao, mayroong napapaulat na student organizations na konektado sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ginagamit aniya ng mga rebelde ang mga summer activities sa pag-recruit ng mga estudyante.

Ayon sa PNP, namataan ang ilang college students na kasama ng mga miyembro ng rebeldeng grupo sa ilang lugar sa bansa.

Kinokonsidera anila ang mga estudyante bilang bailiwicks ng NPA.

Maliban dito, sinabi pa ni Bulalacao na mayroon ding ulat na nakikiisa ang ilang estudyante sa pag-atake ng mga rebelde kontra sa tropa ng pamahalaan.

Lumalahok rin aniya ang ilang miyembro ng mga militanteng youth and student organizations sa “indoctrination” at “social immersion” courses ng rebeldeng grupo sa mga bundok tuwing bakasyon.

Dahil dito, pinayuhan ang mga estudyante na maging maingat at huwag nang lumahok sa mga summer-off campus activities na isasagawa sa insurgency-affected areas.

Read more...