Daan-daang katao, nagbigay-pugay sa libing ni Stephen Hawking sa England
Daan-daang katao ang personal na nagbigay-pugay sa kilalang British scientist na si Stephen Hawking sa Cambridge, England.
Nag-alay ng palakpak ang mga tao kay Hawking habang ididaan sa kalsada ang kaniyang mga labi patungo sa St. Mary the Great church.
Aabot sa 500 katao ang imbitado sa pribadong libing at isinagawang service honor sa tanyag na scientist.
Pinangunahan ng kaibigan ni Hawking na si Rev. Cally Hammond, Dean ng Gonville sa Cambirdge University at Caicus College, ang inalay na service honor.
Tumunog ng 76 beses ang kampana ng naturang simbahan mula ng simulan ang service honor.
Ibinaba rin sa half-mast ang bandila sa ilang lugar sa Cambridge para makisimpatya sa pagkamatay ni Hawking.
Samantala, nakatakdang i-cremate ang mga labi ni Hawking sa susunod na araw at dadalhin sa kaniyang huling hantungan sa Westminster Abbey sa Londo malapit sa labi ni Isaac Newton.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.