Decommissioning ng mga armas ng MILF, tuloy

June 15, 2015 - 12:19 PM

milf firearms
Inquirer file photo

Wala nang atrasan ang phase 1 ng  decomissioning ng mga armas at mga mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kahit na nakabinbin pa rin sa kongreso ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Mismong si Pangulong Noynoy Aquino at MILF Chairman Al Haj Murad Ibrahim ang magiging saksi sa ‘ceremonial turn-over of weapons and  decomissioning of combatants” sa lumang Maguindanao Provincial Capitol sa Simuay Crossing, Sultan Kudarat, Martes ng umaga.

75 mga malalakas na armas, kabilang ang 20 na crew-served weapons ang iti-turn over sa pamahalaan ng mga MILF combatants habang 145 na mga mandirigma ang idi-decommission para magbalik sa sibilyan na pamumuhay.

Ayon kay gov’t chief negotiator Miriam Coronel Ferrer, tumanda na sa giyera ang unang batch ng mga rebelde na kabilang sa mga pinakamatatapang na mandirigma ng MILF na dumepensa sa Camp Abubakar nang salakayin at mabawi ng AFP ang kampo  noong Panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Ang mga mandirigmang sasailalim sa decommissioning ay tatanggap ng P25,000 bilang financial assistance at Philhealth membership.

Samantala, tiwala ang liderato ng senado na makakatulong ang decommissioning ng MILFpara maibalik ang tiwala ng publiko sa rebeldeng grupo.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, maaring mapabilis ang pag-usad ng peacetalks at pagpapatibay sa panukalang Bangsamoro Basic Law sa oras na isauli ng mga rebelde ang kanilang high powered firearms at iba pang armas.

Dagdag Drilon, ang tiwala sa mga rebelde ang pinakamahirap na proseso kaya’t natatagalan ang pagpapatibay sa BBL matapos ang madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng apatnapu’t apat na miyembro ng PNP Special Action Force.

Ngunit pagtiyak ni Drilon, dadaan pa rin sa mahabang proseso ang BBL at kailangang tiyakin ng kongreso na aakma ito sa mga itinatadhana ng Saligang Batas. – Alvin Barcelona/Chona yu

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.