Pang. Duterte, hinikayat ang publiko na magpakumbaba at magpatawad ngayong Linggo ng Pagkabuhay

By Angellic Jordan April 01, 2018 - 07:17 AM

Inquirer file photo

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na magpakumbaba at magpatawad ngayong Linggo ng Pagkabuhay.

Sa inilabas na pahayag ng Punong Ehekutibo, ito aniya ang makakatulong para mawala ang galit sa puso ng tao.

Dagdag pa nito, nakikiisa siya sa pananampalataya ng mga Katoliko sa pagdaraos ng Linggo ng Pagkabuhay.

Ang araw na ito aniya ay panahon para purihin ang sakripisyo ng Panginoong para sa sambayanan.

Maliban dito, hinikayat din ng pangulo ang mga Pilipino na tumulong sa kapwa lalo na ang mga nangangailangan, ipagdasal ang kaligtasan ng mga kapwa-Pilipino at kapayapaan para sa tunay na pagbabago.

TAGS: Linggo ng Pagkabuhay., Rodrigo Duterte, Linggo ng Pagkabuhay., Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.