LTFRB nakaalerto laban sa mga isnaberong taxi driver

Dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga pasaherong pabalik ng Metro Manila, nakaalerto na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga isnaberong taxi driver.

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada nakasentro na ngayon ang kanilang National Capital Region (NCR) office sa malaking bilang ng mga pasaherong babalik mula sa mga lalawigan.

Nagtalaga na din ng mga tauhan ang LTFRB sa mga bus terminal sa Quezon City at Pasay City upang masiguro na hindi mamimili ng pasaherong isasakay ang mga driver ng taxi.

Kaugnay nito ay binalaan ni Lizada ang mga mangongontratang taxi driver na maari silang maireklamo at maparusahan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...