Inaasahang aabot sa 20,000 katao ang dagdagsa para dumalo at saksihan ang tauhanang “Sugat Kabanhawan” sa bayan ng Minglanilla sa Cebu sa Easter Sunday.
Ayon kay Marvey Caño, artistic director ng event, mas magiging magarbo ang pagtatanghal ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.
Aabot sa 300 mga batang gaganap na anghel ang masasaksihan sa ritual presentation ng muling pagkabhay ni Hesukristo.
Walong grupo din ng mga mananayaw ang lalahok naman sa Sugat Kabanhawan Festival Linggo ng tanghali.
Naglaan ng P4.8 million na pondo ang municipal government ng Minglanilla para sa nasabing okasyon.
Ayon naman kay Police Chief Insp. Verniño Noserale ng Minglanilla police station magtatalaga sila ng 250 na security personnel para matiyak ang kaligtasan ng mga dadalo.