Mga namanata nag-iwan ng tambak na basura sa mga pinuntahang simbahan
Nag-viral sa social media ang mga basurang iniwan ng mga namamanata sa mga simbahan at pilgrimage sites na kanilang pinuntahan ngayong Semana Santa.
Ayon sa environmental group na EcoWaste Coalition, nag-iwan ng mga basura ang mga taong nagpunta sa mga simbahan sa Bulacan at Antipolo churches.
Partikular na tinukoy ng grupo ang Our Lady of Lourdes Grotto sa San Jose del Monte City at ang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City na napuno ng basura ang mga daan patungo sa dalawang simbahan.
Ayon kay Daniel Alejandre, Zero Waste campaigner ng EcoWaste Coalition, taun-taon na itong problema at tila hindi natututo ang mga deboto.
Sa simbahan sa Antipolo, kitang-kita ang mga basurang iniwan sa kalsada at sidewalks ng mga nagpalipas doon ng gabi.
Maging sa patio ng Antipolo Cathedral ay may mga iniwan ding basura.
Karamihan sa mga basurang iniwan ng mga namanata ay mga snack packs, plastic bags, bite, cups, food containers at mga leftovers, upos ng sigarilyo, at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.