All-time high record sa bilang ng pasahero, naitala sa Clark Airport ngayong Marso

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 31, 2018 - 02:12 PM

DOTr Photo

Nakapagtala ng all-time high record ang Clark International Airport sa bilang ng mga dumagsang pasahero.

Sa Facebook page ng Department of Transportation (DOTr), as of March 30, 2018, umabot na sa 207,327 ang naitatalang pasahero sa Clark Airport ngayong buwan.

Hindi pa kasama sa nasabing bilang ang mga dumagsang pasahero ngayong March 31, 2018 na sa pagtaya ay nasa 6,000 ang bilang.

Mas mataas ito kumpara sa 199,292 na naitala noong January 2018.

Ayon sa DOTr, kung magpapatuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa nasabing paliparan, maaring ma-break ang 2017 all-time high record ng mga pasahero sa Clark.

Noon kasing 2017, umabot sa 1.5 million na mga pasahero ang naitala na bumiyahe sa Clark International Airport.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: All time high record, Clark International Airport, March 2018, Passengers, All time high record, Clark International Airport, March 2018, Passengers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.