DBP magbubukas ng Sabado sa susunod na dalawang linggo para tumanggap ng tax payments
Dahil sa mahaba-habang bakasyon para sa Holy Week, magbubukas ang Development Bank of the Philippines (DBP) ng mas mahabang oras sa susunod na mga araw.
Ito ay para mas mabigyan ng tsansa ang mga magbabayad ng kanilang buwis.
Batay sa abiso ng DBP, lahat ng kanilang branch sa buong bansa ay magbubukas ng April 7 at 14 na kapwa araw ng Sabado.
Habang simula sa April 2 hanggang sa April 16 ay palalawigin nila ng hanggang alas 5:00 ng hapon ang kanilang banking hours.
Ang DBP ay authorized agent bank ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Pinayuhan naman ng DBP ang mga taxpayer na magbayad ng mas maaga ng kanilang income tax returns at huwag nang hintayin pa ang last minute rush.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.