P11M halaga ng shabu nasabat sa isang security guard sa Cebu
Nasabat ng mga tauhan otoridad ang aabot sa P11 milyon halaga ng shabu mula sa isang drug suspect sa Cenu City.
Isinagawa ang joint anti-drug operation sa Bontorres St., Barangay Basak sa San Nicholas.
Kinilala ang naarestong suspek na si Mario De Jesus, 34 anyos isang security guard na nagtatrabaho sa isang pribadong kumpanya sa lungsod.
Nakuha mula sa suspect ang apat na malalaking pakete ng shabu, P15,000 na boodle money at P8,000 na kita sa pagbebenta ng shabu.
Ayon kay Chief Insp. Henrix Bangcoleta, station commander bg Punta police precinct, dalawang linggong isinailalim sa surveillance si De Jesus
Matapos ang surveilance nagkasa sila ng buy-bust operation laban sa suspek.
Ayon kay De Jesus sa kaniyang pinsan nagmula ang shabu.
Nakakulong ngayon sa Punta Princessa police precinct amg suspek habang inihahanda ang kaso laban sa kaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.