Mahigit 6,500 na katao naasistihan ng Philippine Red Cros sa iba’t ibang panig ng bansa

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 31, 2018 - 01:44 PM

Red Cross Photo

Umabot na sa 6,587 na indibidwal ang nassistihan ng Philippine Red Cross (PRC) sa paggunita ng Semana Santa sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa datos ng PCG, Sabado ng umaga, karamihan sa nabigyan ng tulong medikal ay mga nagpa-BP.

Labinganim naman na katao ang inasistihan matapos malunod.

Habang 9 ang dumaing ng hirap sa paghinga o paninikip ng dibdib.

Nasa 354 naman ang mga nagtamo ng maliit na sugat o pasa at dumaing ng pagkahilo.

Mananatili ang mga red cross stations sa iba’t ibang lugar sa bansa hanggang sa.mga makabalik ang mga nagbakasyong indibidwal.

 

 

 

TAGS: Holy Week, Philippine red Cross, summer vacation, Holy Week, Philippine red Cross, summer vacation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.