Chinese national patay, 3 iba pa sugatan sa aksidente sa Quezon

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 31, 2018 - 01:40 PM

Patay ang isang Chinese National habang sugatan ang tatlong iba pa makaraang mahulog sa bangin ang knilang sasakyan sa Pagbilao, Quezon.

Naganap ang akisdente sa Maharlika Highway Biyernes ng gabi

Aksidenteng nahulog sa bangin na 10-feet ang lalim ang Toyota Fortuner na sinasakyan ng mga biktima.

Nabatid na patungo ng Maynila ang sasakyan na minamaneho ni Manuel Ramos nang mawalan ito ng kontrol pagsapit sa pakurbadang bahagi ng daan.

Ayon sa Quezon police provincial office, agad dinala sa Jane County Hospital ang mga sakay ng Fortuner.

Gayunman, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang Chinese national.

Kinilala ni Dennis Ong, interpreter ng mga Chinese victims, ang nasawi na si Hui Mao, 46, anyos at mula sa Fujian China.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, chinese national, Maharlika Highway\, pagbilao, Quezon, accident, chinese national, Maharlika Highway\, pagbilao, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.