3 patay, 6 sugatan sa riot sa sabungan sa Negros

Patay ang tatlong katao habang sugatan ang anim na iba pa sa riot na naganap sa loob ng sabungan sa Sitio Tabalugo, Barangay Budlasan, Canlaon City, Negros Oriental.

Ayon kay Chief Insp. Wilfredo Alarcon, hepe ng Canlaon police, personal na alitan ang posibleng motibo sa kaguluhan.

Nasawi ang mga lider ng dalawang grupi na sina Elmer Patiña at Glen Galvan, gayundin ang isa pa na si Victor Bravo

Habang sugatan naman sina Jeric Patiña, Mark Glenn Galvan, Alex Taburada, Edmund Galvan, Nemenio Bucog at isang lalaki na nakilala lamang sa pangalang Peligrino.

Ayon kay Alarcon, matagal nang may hindi pagkakaunawaan sina Galvan at Elmer Patiña. Nag-away na rin umano noon ang dalawa sa loob ng sabungan.

Kapwa nakainom umano ang dalawa nang sila ay muling magpang-abot kaya nauwi na sa riot ang insidente.

 

 

 

 

 

 

Read more...