Pangulong Duterte bibiyahe ng China, Hong Kong at Singapore sa Abril
Tuloy na ang magkakasunod na biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kalapit na lugar sa Southeast Asia.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa April 9 hanggang 10, nasa China ang pangulo para dumalo sa Boao Forum sa Hainan province.
Ang Boao Forum ay taunang pagtitipon ng mga government at business leaders na kahalintulad sa Asya ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Ito ang magiging ikatlong pagbisita ng pangulo sa China mula nang siya ay maging presidente ng bansa.
Noong October 2016, nakapulong ni Duterte si Chinese President Xi Jinping at noon namang May 2017 dumalo ang pangulo sa Belt and Road infrastructure forum sa Beijing.
Matapos ang kaniyang biyahe sa Hainan, diretso naman sa Hong Kong ang pangulo mula April 11 hanggang 12.
Makikipagkita ang pangulo sa Filipino community doon.
Samantala, dadalo din ang pangulo sa 32nd Leaders Summit of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) mula April 25 hanggang 28 na gaganapin naman sa Singapore.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.