Surigao Del Norte, niyanig ng magnitude 3.5 na lindol
By Donabelle Dominguez-Cargullo March 30, 2018 - 12:49 PM
Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng San
Francisco sa Surigao Del Norte.
Naitala ang lindol sa 4 kilometers North ng San Francisco alas 10:12 ng Biyernes ng umaga.
Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng lindol at 6 kilometers lang ang lalim.
Dahil sa nasabing lindol naitala ang Intensity IV sa Surigao City at Intensity I sa Borongan City.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.