Leyte niyanig ng magnitude 3.6 na lindol
By Donabelle Dominguez-Cargullo March 30, 2018 - 12:44 PM
Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Abuyog sa lalawigan ng Leyte.
Naitala ang lindol sa 11 kilometers north ng Abuyog alas 8:33 Biyernes ng umaga, March 30.
Ayon sa Phivolcs, may lalim na 12 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Dahil sa nasabing lindol, naitala ang Intensity II sa Borongan City.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.