Pagdami ng kaso ng filariasis, binabantayan din ng DOH
Ikinababahala ng regional office ng Department of Health (DOH) ang pagdami ng kaso ng lymphatic filariasis o elephantiasis sa Zamboanga del Norte.
Sa datos ng DOH Region 9, limampung porsyento ng mga magsasaka sa lalawigan ang apektado ng nasabing sakit.
Partikular na nakapagtala ng mga kaso ng elephantiasis sa mga bayan ng Sibucu, Siocon, Sirawai at Baligian.
Sa November pa nakatakdang magsagawa ng filariasis mass drug administration sa Zamboanga del Norte at mga bahagi ng Zamboanga City at Basilan.
Ang nasabing sakit ay nakukuha sa parasite na filarial worm, at naililipat dahil sa kagat ng lamok.
Kabilang sa mga sintomas nito ang pamamaga o pamamanas ng binti.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.