Pope Francis ooperahan sa katarata sa susunod na taon

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 30, 2018 - 11:15 AM

AP File Photo

Ibinunyag ni Pooe Francis na siya ay mayroong katarata at nakatakdang operahan sa susunod na taon.

Sa kaniyang pagbisita sa bilangguan sa Roma, nabanggit ng Santo Papa ang pagkakaroon niya ng katarata nang magpahayag ang direktor ng bilangguan hinggil sa pangangailangan na maging “far-sighted” sa rehabilitasyon ng mga preso.

Ayon kay Pope Francis, sa kaniyang edad na 81, mayroon na siyang katarata at maaring maoperahan sa susunod na taon.

Mula nang maging Santo Papa ay hindi pa naoospital si Pope Francis.

Naging maganda din sa pangkalahatan ang kondisyon ng kaniyang kalusugan.

 

 

 

 

 

 

TAGS: cataract, eye cataract, pope francis, Radyo Inquirer, cataract, eye cataract, pope francis, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.