12 preso kabilang ang Pinoy, hinugasan ng paa ni Pope Francis
Hinugasan at hinalikan ni Pope Francis ang paa ng 12 preso mula sa bilangguan sa Roma sa idinaos na Holy Thursday ritual.
Sa kaniyang misa binanggit din ng Santo Papa na dapat iabolish ang death penalth dahil ito ay inhumane.
Ito na ang ikaanim na taon na sa bilangguan ginagawa ng Santo Papa ang paghuhugas ng paa sa halip na sa Rome Basilica.
Ngayong taon kabilang sa mga preso na hinugasan ng paa ni Pope Francis ay mula sa Italy, Pilipinas, Morocco, Moldavia, Colombia at Sierra Leone. Walo sa kanila ay Katoliko habang isa ang Orthodox Christian, dalawang Muslim at isang Buddhist.
Ang nasabing mga bilanggo ay nakakulong sa Regina Coeli jail sa Roma.
Ngayong Biyernes Santo, pangungunahan ni Pope Francis ang Via Crusis o Way of the Cross procession.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.