Naganap ang lindol alas 5:25 ng hapon oras sa PNG sa layong 162 kilometers sa bayan ng Rabaul ayon sa US Geological Survey (USGS).
May lalim na 35 kilometers ang lindol.
Matapos ang lindol ay nagpalabas ng tsunami warning ang Pacific Tsunami Warning Center at sinabing maaring magkaroon ng “hazardous” waves na aabot sa 0.3 hanggang one meter ang taas sa mga baybayin ng PNG.
Nagbabala din ng maliliit na alon sa Solomon Islands.
Pero kalaunan ay pinawi na ang tsunami threat.
MOST READ
LATEST STORIES