Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Eastern Samar, madaling araw ng Biyernes Santo, March 30.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang epicenter ng pagyanig sa Borongan City.
Naganap ang lindol ala 1:21 ng madaling araw.
Naramdaman ang sumusumod na intensities bunsod ng nasabing lindol:
Intensity IV:
– Borongan City
Intensity III:
– Lorente, Maydolong, Salcedo, San Julian, Sulat, Eastern Samar
Instrumental Intensities:
Intensity V:
– Borongan City
Intensity III:
– Catbalogan City
Intensity II:
– Palo, Leyte
Ayon sa Phivolcs, hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang nasabing lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.