Lider ng South at North Korea, magsasagawa ng summit sa susunod na buwan
Sa bibihirang pagkakataon isasagawa ang summit sa pagitan ng mga lider ng South at North Korea sa susunod na buwan.
Ang summit ay tinawag na “2018 South-North summit” na gaganapin sa April 27 sa Peace House sa Panmunjom sa South Korea.
Ang panibagong development ay kasunod ng pagtungo sa Pyongyang ng matataas na opisyal ng SoKor kung saan nakapulong at nakasama nila sa salu-salo si Kim Jong Un.
Kapwa nagkasundo ang lider na isagawa ang summit base sa inilabas nilang joint press statement.
Sa sandaling maisakatuparan, si Kim ang magiging kauna-unahang North Korean leader na tutuntong sa South Korea mula nang matapos ang Korean War.
Sa susunod na linggo, pagpupulungan ang usapin tungkol sa protocol at security sa magaganap na summit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.